Isang halimbawa ay ang pamimili ng opisyal ng isang kapisanan. Mayroong isang taong malapit sa kanyang mga guro mismomg humahawak ng isng kapisanan. Sa una niyang pagsali doon ay naging agad siyang isang bise-presidente. Sa ikalawang pagakataon ay hinirang siya mismo ng mga guro na maging presidente. Ang mga sumunod na posisyon ay dinaan sa paraan ng pagboto. Nang hindi natapos sa itinakdang oras ang botohan para sa mga natitirang posisyon ay ibinigay na lamang ang kapangyarihang mamili sa desisyon ng presisdente. Maraming lumapit na gustong maging opisyal dahil may karagdagang puntos sa marka na kanilang matatanggap. Sa huli ay pinili niya yung mga taong malapit sa kanya na naghahangad ng karagdagang puntos. Hindi niya pinansin yung isang taong lumapit sa kanya na nakapagsilbi na sa kapisanan nang halos apat na taon bilang isang miyembro at nagnanais na mas mapalawak pa ang kanyang paglilingkod. Nang maglaon ay nakita at narinig mismo ng taong ito na nagrereklamo yung presidente dahil mga walang kwenta at walang naitulong yung mga taong kinuha niya noon. Siya na lamang ang gumagawa ng lahat pero ayon sa kanya ay ayos lang daw iyon dahil mas malaki ang resposibilidasd niya at kaya naman daw niya iyon kahit siya alang. At isa pa mga kaibigan din naman niya sila at ginagawa din sila.
Hindi ba ang saklap isipin na may mga taong pinagsisiksikan ang sarili sa pulitika dahil sa mga bagay na makukuha nila dito? Ang mas masaklap pa nito ay hindi nabigyan ng pagkakataon ang ibang tao dahil idinaan lahat sa palakasan. At ang pinakamasaklap nito ay hindi nila nagagampanan ang tungkulin nila ng ayos dahil sa pag-una ng ibang bagay na mas mahalaga pa kaysa dito.
Hindi ba ang saklap isipin na may mga taong pinagsisiksikan ang sarili sa pulitika dahil sa mga bagay na makukuha nila dito? Ang mas masaklap pa nito ay hindi nabigyan ng pagkakataon ang ibang tao dahil idinaan lahat sa palakasan. At ang pinakamasaklap nito ay hindi nila nagagampanan ang tungkulin nila ng ayos dahil sa pag-una ng ibang bagay na mas mahalaga pa kaysa dito.
Nakakalungkot isipin na ganito ang nangyayari sa ating bansa kung saan ang mga taong magkakaalyado lamang ang nabibigyan ng pagkakataon. Bakit hindi natin masolusyunan ang mga simpleng bagay na katulad nito? Magiging katulad na lamang ba tayo ng presidente na pinaiiral ang kapakanan ng kanyang mga kaibigan sa halip na kapakanan ng mga tao sa loob at labas ng kapisanan? Magsasawalang kibo na lamang ba tayo sa mga kamalian at pagkukulang ng iba? Hindi naman masama ang isama ang mga kaibigan lalu na kung alam nating karapat dapat sila sa mga ganoong bagay ngunit sana ay dumaan ito sa legal at patas na paraan.